Saturday 21 April 2012

Chris Alexander, diney ang pag-abandona sa Patriots

Agad-agad bumuwelta si Chris Alexander sa namumuong balita na iniwan diumano niya ang AirAsia Philippine Patriots, na kasalukuyang kalahok sa Asean Basketball League.

Nauna nang kinumpirma ito kahapon ng import’s agent sa Pilipinas na si Sheryl Reyes ang paghantong sa biglaang pag-iwan ni Alexander sa Patriots, nangunguna sa team standings na may 13 panalo, at apat na talo

Sa Twitter account ni Alexander, sinabi niya na hindi totoo ang kumakalat na tsimis. “I talked with my agent and as well as left half my stuff there to come home to attend some court stuff in which I have papers for. I also sent the [Patriots’] assistant GM a text and message on Facebook that I was going to attend court cases which I was gonna return next week.”
Ikinalungkot din ni Alexander ang banat ni Sheryl Reyes sa Twitter na, “This is unbelievable. See what mess you created @chrisalexande29.” “Now people think I will be covering your ass. Man, you lied about missing your flight,” dagdag ni Reyes.
Sinagot naman ni Alexander ang tweet na iyon ng  “I am your client and you knew I was gonna come back next week and you talk about me like this!”

Pinalitan ni Alexander si Nakia Miller, na pang –siyam sa scoring leaders na may 16.8 average kada laro.

Isang beses pa lamang nakapaglalaro si Alexander na nakagawa ng 16 points at 12 rebounds para sa Patriots sa kanilang mapait na 78-92 pagkatalo kontra sa karibal na San Miguel Beermen noong Abril 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Humingi din ng tulong si Reyes sa mga basketball authorities na maipatupad ang ban kay Alexander habang pinagpaplanuhan pa ng Patriots ang parusang ipapataw sa nasabing import.

Ayon kay Patriots manager Erick Arejola, “we might bring in Nakia Miller once again to team up with Anthony Johnson.”

Si Alexander ay naglaro bilang import sa PBA sa elimination round para sa Barangay Ginebra Kings na agad ding pinalitan ni Jackson Vroman pagkatapos ng tatlong laro bago nahugot ng Patriots sa ABL.

Sa ngayon, nasa kamay na ng FIBA ang desisyon dahil hawak nila ang ABL at sila ay may kapangyarihang hindi payagan ang paglalaro ng mga players na nasa blacklist. Bukod tanging si Lee Benson lamang na naglaro din bilang import sa PBA, ang nakamarka sa FIBA blacklist. (John Alfrick C. Cruz)

No comments:

Post a Comment